SINO SI KAP MARIO?


Isinilang si MARIO MARIANO DE LEON sa Barangay Kalumpang noong ika-12 ng Mayo taong 1951. Pangwalo sa 12 magkakapatid, ang kanyang mga magulang ay parehong taal na taga-Marikina. Ang kanyang ama ay mula sa angkan ng De Leon sa Kalumpang at ang kanyang ina ay mula sa angkan ng Mariano sa Barangay San Roque.

Lumaki sa sariling bayan, maaga niyang nakita at nadama ang tunay na kalagayan ng kanyang mga kababayan. Nagtapos ng elementarya sa Kalumpang Elementary School at nagtapos ng high school sa Roosevelt. Pagkatapos ay pumasok sa University of the East at doon nagtapos ng Bachelor of Science sa Business Administration noong taong 1974.

Naging maybahay niya si MA. PAZ SANTOS na mula sa malaking angkan ng "Bulik" sa Kalumpang. Maagang nahilig sa pagnenegosyo at dahil dito’y nakapagtayo ng pagawaan ng sapatos at bag noong 1978 na siya niyang hanapbuhay hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito lalong nauunawaan niya ang mga suliranin ng maliliit na negosyo at ng pangangailangang tangkilikin at tulungan ito ng ating pamahalaan para sa kaunlaran ng bayan sa kabuuan.
Dahil sa pagmamalasakit sa kapwa at sinserong pag-unawa sa suliranin ng barangay, hinimok siya ng mga kaibigan na pumasok sa pulitika.

Tumakbo siyang Kapitan ng Barangay Kalumpang at nagwagi noong taong 1994. Simula noon ay naglingkod nang may katapatan at integridad at tumagal ng 14 na taon bilang Kapitan ng barangay. Nagpakita ng magandang halimbawa bilang lider at nagsagawa ng mga proyektong pangkaunlaran ng Barangay Kalumpang. Nagsikap na maiangat sa mas mataas na antas ang serbisyo publiko sa kanyang mga kasamahan ayon sa nilalaman ng Pambansang Batas bilang 6713, ang tamang pamantayan ng paglilingkod (Code of Conduct and Ethical Standard of Public Officials and Employees).

Nalagay sa alanganin sa pagpapatupad nito dahil sa isinampang kaso ng dinidisiplinang barangay kagawad. Nanindigan at nakipaglaban sa buong konseho ng lungsod at administrasyon para ipakita ang katuwiran at wastong serbisyo publiko. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang kinatigan ng konseho ay ang nagreklamong kagawad at pansamantalang natanggal sa puwesto bilang Kapitan ng Barangay si Kap. Mario.

SUBALIT NANAIG ang katarungan at kinatigan ng hukuman at ibinalik sa puwesto ng RTC ng Marikina pagkalipas lamang ng isang buwan. Napatunayang walang batayan ang mga bintang at pawang harassment lamang ang ginawang demanda sa kanya.

Lalong tumibay ang paninindigan ni Kap. Mario at lalong nagpakita ng sinseridad at sipag sa serbisyo publiko. Lalong hinangaan ng mga kababaryo lalo na nang sinimulang kwestyonin ang mga nasa pwesto hinggil sa paggamit ng pondo para sa mga Senior Citizens ng Marikina at iba pang isyu na may kapakinabangang pampubliko.

Natapos ang serbisyo noong 2007 at naglaan ng higit na panahon sa kanyang maliit na negosyo ng pagsasapatos. Ngunit ang sigaw ng pagbabago ng bayan ng Marikina ay hindi nakalampas sa kanyang pandinig at pusong makabayan.

Sa kahilingan na rin ng mga kababayan at kaibigan at ni Cong. Del de Guzman, muling sasabak si Kapitan Mario M. de Leon para sa pagbabago at pagpapaunlad ng ating bayan lalo na sa kabuhayan, kalusugan at edukasyon.

Sa tawag ng pamayanan, hindi niya kayang magbingi-bingihan. Kayat muling titindig si Kapitan Mario M. de Leon upang paglingkuran ang ating bayan.

KAPITAN MARIO

SUBOK SA SERBISYO!
SUBOK SA PRINSIPYO!


ACCOMPLISHMENTS

1. Sincere advocacy in good governance principle (malinis at matapat na paglilingkod sa bayan) in all barangay works;

2. Creation of Council of Elders as advisory body to the Sangguniang Barangay, the only one in Marikina City, to make the Barangay government more people and service-oriented (paglalapit ng pamunuan sa pamayanan);

3. Institutionalization of good barangay planning and evaluation towards the vision of being the most progressive, peaceful and responsive barangay;

4. Initiated close working relationship with the Sangguniang Kabataan to promote youth and sports development;

5. Initiated training programs for barangay officials and personnel to be responsive to Violence Against Women and Children;

6. Spearheaded programs for senior citizens to encourage their continious integration with other barangay constituents;

7. Establishment of pre-schools in coordination with the Outreach of St. Francis de Assisi (ERDA Program), one of the first barangays to do this;

8. Initiated capability building seminars to improve the leadership and management skills of the official of the Barangay and members of the Barangay Council (para maitaas ang antas ng paglilingkod publiko);

9. Accumulated more than P5 million savings for the construction of new barangay hall;


10. Acquired a fire truck - the first barangay in Marikina City;

11. Construction and continious rehabilitation of barangay gym for multi-purpose activities;

12. Construction of Barangay Administration Hall;

13. Landscaping of the area approaching the barangay gym;

14. Concreting of streets, alleys and rehabilitation of curbs and gutters:
Tambuli, Kapwa, Kamumo, Kalupi, Kagitingan, Kandili, Legaspi, M.A Roxas, Pangako either thru MOA with the city government or use of public funds;

15. Installation of a barangay paging system to facilitate dissemination of information;

16. Installation of railing fence along the river dike;

17. Initiated sound environmental projects e.g., Adopt-a-Tree program, planting of trees along the river bank, Basura Ko, Tulong Ko;